Oo
Up Dharma Down
Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Di mo lang alam, hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang
Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang
Luhaang, sugatan't, di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang kung di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo namang
Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon
Ako'y naririto pa rin hanggang ngayon, para sa iyo
Lumipas mga araw na ubod ng saya
Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal
Wooh...
Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo namang
Puro siya na lang, sana'y ako naman
Di mo lang alam ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang
Hindi mo lang pala alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang, maisip mo namang ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam, matalino ka naman
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko
Sana'y di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y 'yong masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
Wooh...
Malas mo...
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan
Obviously dedicated to a certain person, Mr. The One Gone. Nasasaktan nga ako everytime naririnig ko yung kantang yan sa radyo. Explain ko yung mga naka-underline:
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang/Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang/Luhaang, sugatan't, di mapakinabangan...Ako'y iyong nasaktan = practically explains everything. Akala ko na maaring bumalik yung pagtitinginan namin sa isa't isa, pero nasaktan nga ako..
Puro siya na lang, sana'y ako naman/Di mo lang alam ika'y minamasdan = di ko maiwasang magselos na mas napapansin niya siya na halatang nagkakandarapa sa kanya..
Kahit tayo'y magkaibigan lang/Bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan = since kaklase ko naman siya, I consider him a friend as well. Bumabalik lahat sa akin especially pag pinagtitripan niya ako. Kinakanchawan nga namin ang isa't isa kanina eh..
Sana'y di ka na lang pala aking nakilala/Kung alam ko lang ako'y 'yong masasaktan ng ganito = nahulog ang loob ko sa kanya at yun pala sasaktan niya ako...kahit di niya alam..
Nagbago talaga siya. Hindi na siya yung taong nakilala ko. Kung ganun man lang, nagbago narin ang tingin ko sa kanya.
Manggagamit.
Cheska's thoughts at 5:17 AM