Saturday, November 04, 2006
Mukhang Mahal Ko Pa Siya...

Pansin niyo? Hindi na English yung mga entries ko. Tagalog na. Hahaha. Sawa na kasi ako mag-type sa English kahit na yun yung first language ko. Hehehe.

Minsan ayoko siya makita. Minsan gusto ko siya makita. Eh, ayoko na nga sa kanya di ba? Bakit hinahanap ko pa siya?

Hindi naman ako naive kapag nandyan siya. Wala lang talaga yung kilig feeling. Hindi ko naman sinasabi na gusto kong ibalik yung feeling na yun kaso...ewan ko ba. Naguguluhan ako sa sarili ko. Sabi nga nila na, "Bakit ka pa magmamadali kung kayo naman ang nakalaan para sa isa't-isa?"

Ganun nga yata kapag nagmahal ka. Hindi nga basta-basta nawawala. Pero, gusto ko ba talaga mawala ito o gusto ko panatiliin ito?


Kanta ko para dyan:

BAKIT
by Rachelle Ann Go
Ikaw, Ang nagbibigay ligaya sa akin
Sa aking damdamin
Dala'y ngiti sa puso ko
Kapag ika'y kasama ko
Sa tuwing ika'y nakikita
Biglang sumasaya
Lungkot ay nawawala
Nagtatanong ang puso ko
Ano kaya ito
CHORUS:
Bakit hanap-hanap kita?
Bakit hindi nagsasawa
Sa puso ko’y laging ikaw
Laging nais na matanaw
Bakit hindi nagbabago?
Mayro’ng kaba sa puso ko?
Anong nadarama?
Ikaw na nga kaya, mahal ko
[Repeat 2nd Verse]
[Repeat Chorus]
Hindi ko maintindihan
Minsa’y gulong-gulo
Bigla na lang naramdaman
Nandirito ang puso ko
[Repeat Chorus]
Mahal ko...

Mukhang mahal ko pa siya. Hindi maganda ito.


Cheska's thoughts at 3:47 AM